
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
kabanata i - pagsibol (prologo)


Ang buhay ko’y isang uri ng sining at ako’y isang artisanong gumuguhit, nagpipinta, at lumililok nito. Sa aking mga kamay, ramdam na ramdam ko ang mga materyales na aking ginagamit na tila bang ang mga ito’y ginawang sukat na sukat at perpektong perpekto para lamang sa aking malikhaing mga kamay.
​
Ang pagsibol ng bagong likhain ay pagsibol ng bagong buhay. Ito’y parte ng aking sarili. At ang parteng iyon ay aking ibinabahagi’t ipinapalaganap dahil ako’y may nais iparating. Nais kong iparating ang aking mga nararamdaman, ang aking mga saloobin at opinyon. Ito ang aking sandata sa mundong puno ng mga salita. Kung ang aking boses ay nananatiling tahimik, ang aking utak at isip nama’y humihiyaw, at ang aking mga kamay ay nagpupumiglas at nagpupumilit na lumikha.
​
Ako ay patuloy na maglalakbay sa daan patungo sa aking mga pangarap. Ang daanang ito’y tatahakin upang mapatunayan na ang sining ay hindi dapat minamaliit. Sa ating lipunan, mas pinapansin ang mga magagaling sa sipnayan, mas binibigyan ng halaga ang pagiging magaling sa lohika, at ganoon din sa mga magagaling magsalita ng ibang wika. May mga batang nag-uumapaw ang pagiging malikhain, malaki ang potensiyal sa sining, ngunit hindi sinusuportahan ng kanilang mga magulang sapagkat sa kanilang pag-iisip ay sayang lamang ang oras na inilalaan ng kanilang anak sa paglikha—na hindi maaaring maging trabaho ang paglikha. Ngunit paano na ang simbuyo ng damdamin sa sining?
​
Ang apoy ng sining na nagmula sa mahina at munting siklab, kahit gaano man ito kaliit, ay hindi lamang basta-bastang mamamatay sa ihip ng mga batikos ng ibang mga tao. ‘Yan ang mensaheng nais kong iwanan sa aking kwento, ang kwento ko bilang isang manlilikhang hawak ang kamay ng sining.



