
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
kabanata iI - Simula

Tinuruan ako ng ina kong humawak ng lapis at sumulat ng alpabeto sa edad na mahigit dalawang taon pa lamang. Sa tuwing binibigyan ako ng aking ina ng papel at lapis ay napupuno ng kakaibang guhit ang paligid ng papel. Inakala ng aking ina na hindi lang talaga kaaya-aya o hindi maayos ang aking sulat-kamay. Sinanay ako araw-araw hanggang sa naging malinis na tingnan ang aking sulat ngunit hindi pa rin nawawala ang mga guhit-guhit at maliliit na mga larawan sa iba’t ibang bahagi ng papel.
​
Nang ako’y makatungtong na sa elementarya, kapansin-pansin na isa akong tahimik na bata. Palaging lapis at papel ang aking hawak, kung minsan naman ay may mga pangkulay pa. Hindi ako mahilig makihalubilo sa ibang mga bata. Napansin din ito ng aking guro at ipinatawag niya ang aking mga magulang. Nasa malayong bahagi ako ng kwarto habang mahina silang nagbubulungan at nag-uusap ngunit narinig ko sila. Narinig ko kung paano sabihin ng aking guro sa aking mga magulang na maaaring may mali sa akin dahil lamang sa hindi ko pakikisama sa ibang mga bata. Inungkat ng aking guro ang aking mga gawain sa loob ng silid-aralan; na mahilig akong gumuhit. Habang nag-uusap sila’y nanginginig ako. Kinakabahan ako. Namuo sa isipan ko ang mga tanong na “paano kung…?” Paano kung pagalitan ako ng aking mga magulang? Paano kung konpiskahin nila ang mga laruan at iba pang mga gamit ko? Paano kung mag-alala sila sa akin?
​
Sa wakas ay natapos na rin ang pag-uusap ng aking guro at mga magulang. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay ang mga parehong tanong pa ring kanina ko pa iniiisip at tinatanong sa sarili ko ang umiikot sa utak ko. Akala ko’y uuwi na kami. Gusto ko nang umuwi. Nalito ako nang napansin kong hindi namin tinahak ang daanang palagi naming dinadaanan sa tuwing kami’y papauwi. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang tindahan sa palengke. Mas lalo akong nagulumihanan nang ako’y tinawag ng aking ina at pinababa sa sasakyan namin. Pumasok kami sa loob ng tindahan at itinuro niya ang mga laruan at sinabi sa akin, “Anak, pumili ka na.” Hindi ito madalas mangyari kaya’t sinulit ko na kahit na ang emosyon ko’y naguguluhan. Maraming mga iba’t ibang laruan at iba pang mga gamit pambata sa loob ng tindahan ngunit ang pumukaw ng atensyon ko ay ang makulay na librong may kasamang mga pangkulay. Nilapitan ko ‘yon at hinawakan at saka tumingin ako sa aking ina. “Iyan ang gusto mo?” tanong niya at tumango ako. Kinuha niya ang libro at pumunta sa kahera upang magbayad. Habang nagbabayad siya ay sinabi niya sa akin, “’Nak, dalhin mo ‘to sa paaralan ha? At kulayan mo kasama mga kaklase mo.” Sumagot ako ng opo.



