
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
kabanata iII - ORAS

Lumipas ang mahabang panahon at marami na ring nagbago sa akin. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan nang makatungtong sa mataas na paaralan. Hindi na ako katulad ng dati na walang imik at magsasalita lamang kung ako’y kinakausap. Nahasa nang nahasa ang aking talento sa pagsali ko sa mga paligsahan at ang mga papremyong salapi ay ginagamit ko upang makabili ng mas maganda at bagong mga materyales para sa aking paglikha. At syempre kaakibat ng pagbabago ko ang siya ring pagbabago ng mga tao sa aking paligid. Inasahan ko naman nang ang mga bagay ay magbabago’t magbabago talaga ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagbabagong nangyari sa aking pamilya.
Isa akong masipag na mag-aaral. Kada-taon sa aking pag-aaral ay may gantimpala akong natatanggap at marami rin akong napapanalunan na mga paligsahang pang-akademika. Punong-puno na ng mga medalya at sertipiko ang aking aparador. Ngunit kahit ba sunod-sunod ang mga karangalang natatanggap ko at ganyan ako sa paaralan ay pansin kong may nag-iiba sa mga magulang ko. Tila bang hindi na sila gaanong natutuwa sa tuwing may natatanggap akong panibagong medalya o gantimpala. Ang dating tawa at ngiti nila’y unti-unti nang humuhulas. Siguro nga’y nagsawa na rin sila. At dahil doon ay unti-unti na ring bumababa ang aking ranggo. Nang mangyari naman ‘yon ay pakiramdam kong lalong bumaba ang tingin sa akin ng mga magulang ko. Mas lalo na rin akong nagtuon ng atensyon at naglaan ng oras sa sining at paglikha para na rin makatulong sa nararamdaman kong bigat sa aking damdamin sa tuwing nakikita kong dismayado at parang nabibigo sa akin ang mga magulang ko.
​
Inisip ko na baka sakaling bumalik yung dati, na siguro maibabalik na muli ang galak nila sa akin kung bibigyan ko sila ng iba pang bagay na maaari nilang maipagmalaki. Hindi ko na pinilit pa ang aking sarili na abutin ang pinakamataas na antas ng karangalan sa paaralan. Nagsimula akong mabigyan ng pansin bilang manlilikha nang sumali ako sa mga patimpalak na panrehiyonal. Hindi man ako madalas nananalo, nakikilala naman ako ng karamihan sa larangan ng sining at unti-unting sumisibol ang aking pangalan sa mundo ng sining at mga manlilika. Mas malayo na ang aking narrating, mas malawak na ang aking lalanguyan ngunit hindi pa rin naging sapat para sa aking mga magulang. Masakit isipin ang realidad na hindi talaga lahat ng pangako ay natutupad; na hindi lahat ng salitang naririnig mo lalo na noong ikaw ay bata pa’y totoo. At ang pinakamasakit para sa akin ay ang hindi pagsuporta ng aking pinakamamahal na magulang sa aking hilig. Kung sino pa ang mga inaasahan kong makakasama kong tumahak sa aking paglalakbay ay sila pa ang mismong kumawala’t patuloy na tumitibag sa aking mga pangarap.
​
Dumating pa nga sa oras na pinatitigil na ako ng mga magulang kong lumikha. Kinuha nila ang mga materyales ko at itinago. Pinagbawalan nila akong humawak ng kahit na ano mang gamit na maaaring maging sanhi ng bago kong likhain. Ngunit hindi ako basta-basta lamang na mapahihinto nang ganoon. Patago akong gumuguhit sa mga maliliit na piraso ng papel na nakukuha ko. Kaya kong lumikha gamit ang kahit na anong tinta o papel.
​
Wala sa aking mga kamay ang takbo ng aking buhay. Ang panahon ay tila ba karagatang kung saan umaakyat at bumababa ang mga alon. Patuloy lamang itong dadaloy. Kailangan kong matutong lumangoy kasabay ang agos ng tubig, kahit saan man ako mapadpad at dalhin ng mga ito kung hindi ay lalamunin ang aking katawan ng tubig at malulunod sa mga malalakas na alon. Ganito man ang naging sitwasyon ko, hinding-hindi pa rin ako susuko. Ako pa rin ang magdidisenyo ng buhay ko. Hindi pa tapos ng buhay kong mala-obra maestra.



