
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
kabanata VII - bawat piyesa

“Dumadaan ang ilaw sa mga bulsa't dumarating sa akin, at habang ika'y niyayakap nang maigi, binubulong ang dalangin 'wag sana maglaho sa hangin.”
Panaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip. Hindi ito paglalakbay ng oras pero parang bumalik ako sa pagkadalaga ko kung saan buhay pa ang sining sa aking buhay, kung saan ako’y nagpapatuloy ng aking mga hilig. Nandito muli ako, nandito muli ang sining.
Unti-unti nang bumbalik ang mga alaala ko. Nalaman ko kung paano ako naaksidente. Nasa itaas ako ng hagdan habang nagpipinta ng dingding sa kantina ng aming paaralan at namali ako ng tapak kaya nahulog. Nalaman ko ring nasa kolehiyo pa ako at kinukuha ko ang kursong pansining, pangunahing sa pagpipinta. Noong una raw ay tutol ang mga magulang ko rito. Nagtrabaho ako at nagbenta ng mga aking nilikha upang makabawas sa gastusin ko at upang patunayan sa kanilang kaya kong gawing trabaho ito; na kaya akong buhayin ng sining. Marami akong naging kliente dahil madalas akong nairerekomenda sa tuwing sumasali ako sa mga patimpalak. Nang nagsimulang makita ng aking ina ang mga pagsisikap ko’y kinumbinsi na rin niya ang aking ama na sumang-ayon sa kursong nais kong kuhanin.
Ipinaglaban ko ang sining katulad na lamang ng paglaban ko para sa buhay ko nang halos anim na buwan sa ospital. Nagsilbing aral sa akin ang masamang panaginip na nangyari sa akin. Dahil doon ay mas lalo akong naging determinado sa pag-abot ng mga pangarap ko. Hindi na ako muling magkakamali. Hindi na ako muling matatakot at susuko.
Mga batikos na natatanggap ay gagamitin upang umunlad. Ako pa rin ito kahit ano man ang maging tingin sa akin ng iba, kahit ano man ang sabihin nila. Kahit husgahan ako at sabihing hindi sapat ang talento ko o hindi praktikal na pag-aralan ang sining dahil sa iba pang mga pagkukulang ko’y hinding-hindi ako susuko. Mas lalo ko pang pagsisikapan upang maging mas magaling sa larangan ng sining. Ang bawat piyesang aking nililikha’y parte ng pagkatao ko. Hindi talaga lahat ng iyon ay magugustuhan ng lahat. Ganyan ang buhay.
Ito ang aking itinuturing na ikalawang buhay. Isa pang pagkakataon sa panibagong buhay. At ngayon, wala akong balak na sayangin ito. Hindi malabong mangyari ang mga nangyari sa akin sa mga napanaginipan ko kaya’t hangga’t maaari ay iiwas ako sa landas papunta roon. Ang sining ay hindi na muling maglalaho sa hangin. Sinisintang sining, dito ka na lang habang-buhay. H’wag nawa muling lumisan.



