top of page

kabanata vIII - KULAYAN NAtin

kulayannatin.jpg

“Kulayan natin ng awit o tula, ng ngiti at tawa, ang mga araw na makulimlim, ang mga araw na mataimtim.”

​

     Sa pagtapos ng kwentong piksiyonal na ito, narito ang isang liham na puno ng katotohanan para sa lahat ng taong katulad ko; sa mga taong kinulang sa suporta’t kaya pati sa sarili’y nawalan na ng tiwala, sa mga may balak na sumuko, sa mga pinasusuko, at sa mga sumuko. Nawa’y basahin ito nang mabuti.

 

Sa iyo na sumusuko:

 

     Kung ang iyong dahilan ay ang mga tao sa paligid, h’wag mo hayaang makalason sa iyong isip ang mga makamandag na salita nilang puno ng panghuhusga. Ika’y malakas. Ika’y malakas sa tunay na paraan. Ipagpatuloy mo ang iyong hilig para sa sarili mo at hindi para sa kagustuhan ng ibang tao. Palaging mayroong lugar para sa pagpapabuti at paghasa ng mga talento mo.

     

     Kung ika’y pagod na at susuko na, matuto kang huminga. Matuto kang tumigil nang sandali, huminga muna, at magpahinga. Ang sining, kahit na anong uri pa man ‘yan, ay hindi madaling kalimutan. Hindi ito madaling alisin sa sistema mo, sa puso at isipan mo. Napakahirap na tumigil nang tuluyan sa paglikha para sa akin. Napakahirap na pigilan ang sarili sa hilig lalo na kung ang simbuyo ng damdamin ay napagkalakas. Ang iyong hilig ay hindi mawawala. Maaari mo itong balikan. Ika’y magpahinga muna.

 

Sa iyo na sumuko na:

​

     H’wag kang matakot na sumubok muli. Siguro nga’y napasuko ka sakadahilanang ika’y nabigo. Ang pagkabigo’y parte ng buhay. Hindi ‘yan mawawala. Hindi ko man alam ang istorya mo ng pagkabigo, kung gaano ito kalala o kalalim, ngunit h’wag mong hayaang mapabagsak ka nang ganoon lamang. Gamitin mo ang mga mararamdaman mo. May nananatiling apoy sa puso mo, alam kong nadarama mo pa rin ‘yan. Kahit gaano kaliit ang siklab nito’y maaari pa itong mabuhay muli. Maaari mo pang ibalik at hasain ang mga talento mo. Nawa’y magsilbi itong motibasyon at inspirasyon sa iyo upang magbalik sa sining.

 

     Matuto tayong salubungin ang alon ng buhay na dati’y kinatatakutan. Sa bawat hampas ay ating matutuklasan na iisa ang langit na natatanaw. Ating matutuklasang ang mga pangarap ay mahirap man abutin, ito’y mararating pa rin. Makulimlim man ang mga araw sa iyong tadana, ikaw ang magdikta ng sarili mong kapalaran. Ideklara mo, angkinin moa ng iyong kapalaran.

relax yourself with this playlist

visitor count:

bottom of page