
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
kabanata VI - baHAY NA PUTI

“Dinala ka namin sa bahay na puti kung saan makakapahinga ang iyong mga damdamin at doon sa kama, sabi mo uwing-uwi ka na, baka bukas makalawa’y makauwi sana.”
Buhay ako. Buhay pa ako. Bakit? Para saan pa?
Nang magising ako, ang una kong nakita ay ang puting dingding. Sa bawat paglingon ko, puti lamang ang kulay na aking nakikita. Pumasok ang isang nars sa loob ng kwarto ko at tiningnan ang aking estado. Tumawag siya ng isang doktor. Matagal muna bago ako nagkaroon ng malay sa paligid ko. Para akong nakalutang sa ere at litong-lito pa ako sa mga nangyayari sa akin. Matapos maobserbahan ng doktor na maaari na akong makausap, tinanong niya ako kung nalalaman ko pa ang aking pangalan, tirahan, at iba pag impormasyong maaari kong maibigay sa kanya hinggil sa aking sarili nang matingnan kung ang mga alaala ko ba ay nananatili pang nasa akin. Nakapagtataka lang ang naging mukha niya nang sabihin ko kung ano ang edad ko. Hindi ba ako mukhang apatnapu’t dalawang taong gulang na? Kinausap ako ng doktor patungkol sa kung anong nangyari sa akin at ang aking kondisyon. Nalaman kong tumama ang ulo ko sa sahig at nagkaroon ako ng matinding pinsala sa utak. Halos kalahating taon din akong tulog. Maaari rin daw na naapektuhan ng pagtama ang memorya ko.
Tumbalik ang nangyayari sa akin ngayon. Ako na isang nars ay isa namang pasyente ngayon. Hindi ako makatiis dito. Gusto ko nang makaalis sa ospital. Gusto ko nang umuwi. Sawang-sawa na ako sa amoy ng ospital, sa mga aparatong karaniwang nakikita ko sa ospital, at sa mga puting kwarto. Pinakaayaw kong kulay ang puti. Sa aking paningin, ito’y walang kabuhay-buhay. Para bang kay gandang pinturahan ng mga dingding na iyan. Hindi pa raw ako maaaring umuwi sapagkat inoobserbahan pa ang aking kalagayan.
Nangungulila ako. Nanghihina pa rin ang katawan ko. Hindi pa ako makabangon. Nakababagot dito sa loob ng ospital, at mas lalo naman sa loob ng kwartong ito. Wala akong magawa. Hindi ko alam kung nasaan ang pamilya ko ngayon. Nasa Pilipinas pa rin kaya sila? Kaagad kaya silang pumunta rito upang makasama ako? Pumunta nga ba sila rito? Nakarating naman siguro sa kanila ang balita’t kung ano ang nangyari sa akin, hindi ba?
Ilang oras ang lumipas at nakarinig ako ng katok sa pinto. Akala ko nars lang ulit ‘yon. Nagulat ako nang makita ang mga mukha ng mga magulang ko. Mas lalo akong nagulat nang makitang parang hindi na sila tumanda, kung tutuusin nga ay mukha silang bumata. Nalilito ako. Ano ang nangyayari? Ilang taon ko rin silang hindi nakita pero ganoon na ba kalala ang pinsala sa utak ko para mag-iba ang hitsura nila sa aking paningin? Binati ko ang aking Ina at Ama. Mayroon din silang iba pang tatlong taong kasama na hindi pamilyar sa akin. Sino sila?
Siguro’y napansin nila ang aking pagkalito dahil napansin ko ring nagkatingingan pa sila sa isa’t isa na tila bang may halong pag-aalala at pag-aalinlangan sa kanilang mga isip.
“Hindi mo pa ba kami nakikilala?” tanong ng isang binata sa akin. Hindi ko siya kilala. Hindi ko sila kilala. Tanging mga magulang ko lamang ang nakikilala ko sa loob ng kwartong ito.
“Kahit sino sa aming tatlo’y hindi mo nakikilala? Ni isa, wala ka man lang maalala?” nag-aalalang tanong ng isang dalaga. Tinitigan ko silang tatlo nang maigi at para ngang unti-unting nagiging pamilyar sa akin ang mga mukha nila. Mga katrabaho’t kaibigan ko sila sa ospital na pinagtatrabahuan ko bago ako maaksidente.
Nasambit ko isa-isa ang mga pangalan nila. Kitang-kita ko ang paghinga nila na puno ng kaginhawahan. Hindi pa rin masyadong malinaw ang mga bagay sa akin. Hindi ko alam kung paano sila naging mga binata’t dalaga muli.
“Ang tagal mong tulog. Ang dami mong na ring nalaktawan na klase. Ibibigay ko na lang sa’yo ang kuwaderno ko.” Sabi ng binata. Klase? Hindi ba’t tapos na kami sa pag-aaral? Nagtatrabaho na nga kami, hindi ba?
“Anong klase? Magkaklase tayo?” tanong ko. Hindi naman nasagot ang tanong nang nasasabik na nagsalita ang isa ko pang kaibigan.
“Ay, oo nga pala! Mayroong patimpalak sa susunod na ikalawang buwan at ikaw sigurado ang unang mapipili ng propesor natin kapag nalamang gumaling ka na dahil ikaw ang pinakabihasa sa larangan ng pagpinta sa – “
“Pagpinta?” gulat na tanong ko.
Mas lalo akong nalito. Nag-iba ba ang buhay ko matapos akong maaksidente?
Napatingin ako sa repleksiyon ko sa bintana. Bumata ako. Bumalik ako sa pagiging halos dalawampung taong gulang. Paano nangyari ‘to?



