
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
kabanata v - TANIKALA

“Balutin ng hiwagang hinabi ng tadhana, balutin ng liwanag na tila tanikala.”
​
Malamlam ang aking paningin sa paligid. Bawat segundo, minute, at oras na lumilipas ay hindi ko maaaring masayang. Sa lugar na ito, tila ba hindi ako makahinga. Sa bawat pagkilos ko ay hinahabol ko ang akiing paghinga. Nakapapagod. Nakauubos ng lakas. Para akong isang nilalang na tumatakbo na lamang gamit ang makina. Namamanhid ang aking mga paa. Nangangalay ang aking mga kamay. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang pagod at sakit nito. Hindi ako makapagpahinga.
​
Isa na akong ganap na nars ngayon. Ipinadala ako ng aking mga magulang sa ibang bansa upang mas malaki ang magiging sahod ko. Ako’y malayo na nga sa pamilya at mga mahal ko sa buhay, hindi ko pa gusto ang trabaho ko. Matagal na akong nagtatrabaho rito. Dalawampung taon o dalawang dekada na akong nagtatrabaho bilang nars. Mahigit dalawampung taon na rin akong nalayo sa sining. Masyado kong napaglaanan ng oras ang pagiging nars dahil napilitan ako. Takot pa rin akong magmukhang kabiguan sa mga mata ng magulang ko. Nag-iisa lang daw kasi nila akong anak kaya raw ako lamang ang kanilang inaasahan, lalo na ngayon at tumatanda na sila.
Para akong nakakulong sa loob ng isang blangkong nakaunat na lona. Walang kasulat-sulat, walang kaguhit-guhit, at wala ring kakulay-kulay. Para sa isang manlilikhang katulad ko, iyon ay labis na pagpapahirap. Ganito na ang buhay ko ngayon. Walang kulay at puro lamang puti at itim.
Isang panibagong araw na naman sa ospital at panibagong araw rin sa aking buhay. Maraming pasyente ang nangangailangan ng serbisyo. Mas dumarami sila ngayon dahil sa pagkalat ng isang nakamamatay na sakit sa aming lungsod. Kahit na masakit ang katawan ko at pakiramdam ko’y magkakaroon din ako ng sakit ay nagtatrabaho pa rin ako. Mas gugustuhin ko nang pumasok sa trabaho at maokupa ang isip ko kaysa naman sa manatiling nakahiga buong araw at magdamag sa kama. Ayaw ko ng nakapag-iisip nang malalim. Malungkot sa aking tinutuluyan. Mag-isa lamang ako roon. Malungkot ang aking buhay. Sa tuwing gabi bago matulog, laman ng aking dasal ang pagbabalik ng sining sa aking buhay. Ngunit napagkatagal ko nang ipinagdarasal ‘yon. Wala na akong pag-asa. Napakagulo rito sa ospital ngayon. Nakapila ang mga pasyente sa kwartong pang-emerdyensya. Napakaraming tumatawag sa akin. Kulang din kami sa tao ngayon kaya mas lalo kaming gahol sa oras. Kung kailan kami sobrang nangangailangan ay saka pa kami naubusan ng mga gamit. Nahihilo na ako at nalilito sa kung alin ba ang uunahin ko at kung ano na ang aking susunod na gagawin. Para akong nasisilaw sa mga ilaw, sa liwanag. Lalong tumitindi ang sakit ng ulo ko. Nanlalambot na ang katawan ko. Hindi ko na alam kung kumikilos pa ba ako dahil wala na akong ibang nararamdaman kundi ang sakit. Hindi ko namalayang pabagsak na pala ang katawan ko sa hagdanan. Hindi ko na rin naramdaman ang pagtama ng aking ulo sa malamig na sahig at ang malakas na pagtagas ng dugo mula roon dahil bago pa man masalat ng aking katawan ang sahig ay biglaang nagdilim ang paningin ko. Tanging mga boses na lang na ihinihiyaw ang pangalan ko ang huling narinig at nanatili sa aking isip.
Ang tuluyan kong pagtigil sa paglikha ay para na ring tuluyang pagpigil sa aking buhay. Wala na akong nakikitang silbi sa mga aking ginagawa. Mapait ang aking tadhana at ako’y nakatali rito gamit ang tanikala ng buhay. Para bang ako’y naghihintay na lamang sa aking pagpanaw… O baka ang aking pagpanaw ang naghihintay sa akin?



