
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
Conic Section (Conic)
-
is a curve obtained as the intersection of the surface of a right circular cone with a plane
-
Depending on the angle of the plane with respect to the cone, a conic section may be a circle, an ellipse, a parabola, or a hyperbola.
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
sit down and have fun with these clips
​
kabanata iv - bakunawa

Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa mataas na paaralan. Ngayong nasa kolehiyo na ako, kinukuha ko ang kursong Batsilyer ng Agham sa Narsing dahil ‘yon ang gusto ng magulang ko. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang pumili ng kursong aking ninanais na kuhanin sapagkat ang mga magulang ko ang nagpapaaral sa akin kaya napilitan akong sumunod sa gusto nila. Ilang beses ko na rin silang kinausap patungkol doon. Paulit-uit ko na ring sinubukang ipaliwanag sa kanila kung bakit kursong pansining ang nararapat na aking kuhanin. Ipinipilit ko ang iyon dahil doon ako masaya’t siguradong-sigurado akong may kinabukasan ako roon. Mukhang kasabay ng pagtigas ng kanilang mga puso bilang magulang ang pagtigas ng aking ulo bilang anak.
Papasok ako sa unibersidad nang pagod at uuwi naman akong mas lalong pagod. Sabihin na nating kakayanin pa ng katawan ko, at alam kong kaya pa ng katawan ko dahil malakas naman ako, ngunit hindi na kaya ng isip at puso ko. Para akong buhay pero hindi nabubuhay. Para akong isang halamang itinanim upang lumago nang malaya at magbunga ngunit pilit na minamanipula at sapilitang ginugupit o tinatanggal ang mga ayaw sa akin. Buhay pa ang bulaklak ngunit patay na ang halaman.
Hindi ito ang gusto ko. Wala akong hilig sa medisina at ni minsan ay hindi man lang sumagi sa aking isip na maging isang nars. Ang payo naman ng karamihan sa akin ay matututunan ko rin daw na mahalin ang aking ginagawa. Ayon sa kanila ay maiibigan ko rin naman ang magiging trabaho ko sa paglipas ng panahon. Imbis na lapis ang aking hahawakan ay hiringgilya ang mapupunta sa kamay ko, supot ng dugo imbis na pintura, at purong puting kasuotan imbis na makulay na damit na puro patak at tilamsik ng pintura ang aking isusuot. Malayong malayo ito sa matagal nang pinapangarap ko.
Tanging ang pagbisita na lamang sa mga museo ng sining ang nagiging ugnayan ko sa sining. Ang daming ideyang pumapasok sa isip ko sa tuwing nasisilayan ko ang kagandahan o kariktan ng mga obra maestrang nakapaskil o ipinakikita nila roon. Para akong nahuhumaling sa bawat pahid ng pintura sa isang larawan, sa bawat guhit na mapapansin sa mga dibuho, at sa bawat kurbang makikita sa mga estatwang naroon. Ang dami ring mga emosyon na nararamdaman ko. Mayroong galak na may halong pait. Sa aking paningin ay mas lalong nadaragdagan ang kapaitan ko kada-bisita ko roon sapagkat ako ay naiinggit. Ang dami ring tanong na sumasagi sa isip ko, tulad ng, “Kailan kaya ako muling makalilikha ng tulad ng mga ito?” at “Makalilikha pa nga ba ako ng ganito o kahit na ano mang malapit o katulad nito?” Siguro nga ay hanggang tingin na lamang ako.
Ang aking puso na matagal nang nag-uumapaw sa simbuyo ng damdamin para sa sining ay ngayo’y nauubusan na. Ngayon, ito ay nauuhaw. Ito’y naghahangad muli ng buhay, ng muling pagsibol ng sining sa aking buhay. Nawawalan na ako ng pag-asa sa pag-abot ng aking mga pangarap. O, Bakunawa sa aking buhay, bakit ang buwan ay kinain? Bakunawa sa aking buhay, ang buwan ba ay kailan mo iluluwa nang bumalik na ang liwanag sa aking gabing puno ng kadiliman? Ang buwan pa ba ay iyong maibabalik?



