top of page

kabanata iii

gffhj.png

     “Hoy! Magpapasagasa ka ba?!”, sigaw ng drayber na galit na galit at halatang nagmamadali. Hindi kaagad pumasok sa kanyang isip ang mga salitang iyon. Kaya naman dali daling hinatak ng matandang pulubi ang nagulat na binata habang nakatakip ang mga kamay nito sa ang kanyang mga tenga.

​

     “Iho ayos ka lang ba?”, tanong ng matanda.

​

     “Ho? Hay sabaw na po ata ako. Kanina pa po ako hindi makapagisip ng maayos. Napagod po ata yung utak ko sa klaseng inattendan ko.”, tugon ng binata.

​

     “Kaya naman pala hindi mo napansin ang padating na truck kanina, konting konti nalang at mahahagip ka na.” sabi ng matanda. 

​

     “Hay lolo, pasensya na po sa abala pero didiretso na rin po ako sa aking pupuntahan”, ang walang ganang sagot ng binata.

​

     “Wala iyon iho, basta palagi kang mag-iingat at huwag masyadong lunurin ang sarili sa pag-aaral”, paalala ng matanda.

 

     Napangiti ang binata at nagpasalamat. Nagpatuloy na ito sa kanyang paglalakad, ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay may narinig syang sigaw mula sa matandang kanyang iniwan.

 

     “Hiro! Hiro!” sigaw nito.

 

     Lumingon ang binate at tumingin sa papalapit na matanda. Hawak nito ang payong na muntik niyang maiwala.

 

     “Hiro, naiwan mo ang payong mo”, sabi ng matanda.

 

     “Pano niyo po nalaman ang pangalan ko?”, tugon ng binata.

 

     “May pangalan na nakasulat sa payong mo.

 

     Huwag kang mag-alala hindi ako manghuhula,” pabirong sagot ng matanda.

 

     Nangiti at natawa ang binata. Naisip nya na matagal na nyang hindi narinig ang kanyang tawa. Nang matahimik ito ay tinanong siya ng matanda.

 

     “Oh ano nanamang nasa isip mo, pumaroon ka na nga sa pupuntahan mo. Sige ka, sa pagmumuni muni mo nyan ay baka mahuli ka.”, sabi ng matanda.

 

     Sadyang natuwa ang binata sa kabaitan at kakwelahan ng matanda, kaya naman inaya niya itong sabayan syang kumain sa fast food chain na kanyang pupuntahan. Hindi pumayag ang matanda.

 

     “Basa ako”, tugon niya.

​

     “Malamang ay hindi nila ako papapasukin sa loob”, dagdag pa nito.

 

     “Lo, may dala akong damit sa loob ng bag ko. Hindi ako papayag na hindi ka nila papasukin. Akong bahala sa’yo.”, sagot ng binata.

 

     Tumanggi ulit ang matanda, ngunit sinabi nalang ng binata na pasasalamat niya ito sa matanda sa pagligtas sa kanya at sa pagsauli ng kanyang  payong kanina.

relax yourself with this playlist

visitor count:

bottom of page