top of page

kabanata iv

gffhj.png

     Pagpasok sa fast food chain ay pinagpalit  agad ni Hiro ang matanda ng damit. Hindi katabaan si Hiro ngunit mapapansin na maluwag ang fit nito sa matanda dahil sa kapayatang taglay nito. Pinaupo ng binata ang matanda habang siya ay umorder. Bumalik siya sa table na may dalang tray at masarap na pagkain.

 

     “One C1 at one C3”, sabi ng matanda. 

 

     “Aba mukang kabisado mo lolo ang menu dito.” tugon ng binata.

 

     “Matagal na akong hindi nakakakain sa Jollibee. C1 ang palagi kong inoorder noon ngunit ito’y naging C3 noong nahilig ako sa spaghetti.”,  tugon ng matanda.

 

     “Tamang tama po! Sa iyo po iyang C3 at sa akin po itong C1”, sabi ng binata.

 

     Inimbitahan ng matanda ang binatang magdasal at pinasalamatan ang mga biyayang nasa kanilang hapagkainan. Matapos nito ay kumain sila habang nagkwekwentuhan. Nilahad ng binata ang kanyang mga karanasan sa loob ng paaralan. Sinabi rin nito na siya ay kumukuha ng kursong “Journalism” sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Laking gulat nito sa galing sa pakikipagtalastasan ng matanda lalo na pagdating sa usaping nauugnay sa pamamahayag. Maraming alam ito patungkol sa kursong kanyang tinatahak. Pati na kanyang pinag-aaralan ay alam niya. Nabagabag ang binata at tinanong ang matanda, “Lo, maari ko bang malaman ang inyong pangalan at inyong nakaraan”.  Sumagot ang matanda, “Ako si Teodore, ako’y isang dating propesor.”

relax yourself with this playlist

visitor count:

bottom of page