top of page

kabanata ii

gffhj.png

     Patuloy na naglakad nang mabagal ang bilasang estudyanteng si “Hiro”, oo nga pala Hiro ang pangalan nya. Ang estudyanteng lumulutang ang mga pananaw habang naglalakad sa ilalim ng ulap na tinataguan ng araw. Habang nagmamadali ang mga taong nasa paligid niya ay siya namang bagal ng kanyang paghakbang. May isa pa ngang lalaking nainis sa kanya habang dumadaan ito sa kanyang gilid.

 

     “Abala sa daan ang mga taong tulad nito”, pabulong na reklamo ng nagmamadaling estranghero. Ngunit hindi nya ito pinansin. Patuloy syang naglakad kasabay ang rumaragasang tao sa araw ng tag-ulan. Nang biglang mapukaw ang kanyang pansin ng isang mamang nakatulungkong nakatulala sa hangin.

 

     Hindi bago sa kanya ang makakita ng pulubi, ngunit ang mamang ito ay sadyang namumukod tangi. Sino ba naman kasi ang taong magbababad sa tubig kahit alam nitong wala na syang pampalit na damit? Pinagmasdan niya ang nakitang mama. Puti ang buhok nito, ngunit hindi na masyadong kita dahil bilang nalang sa diliri ng kamay at paa ang mga hiblang natitira sa tutok ng kanyang ulo. Halos wala na syang buhok, ngunit mapapansin sa kanyang mahaba at maputing balbas na sya’y matanda na. Tumingala ito sa kalawakan na tila may pinagmamasdan. Nakangiti at biglang pumingit, para bang may binubulong syang munting kahilingan. Dahil sa pagkabighani ng binata sa posibleng binubulong ng matanda ay pinagpasyahan nitong lapitan ito. Ngunit sa kanyang paglapit ay bigla nalang may malakas na bosinang narinig si Hiro at biglang nabitawan ang hawak na payong nito.

relax yourself with this playlist

visitor count:

bottom of page