top of page

kabanata i

gffhj.png

     Sa makulimlim na tanghali sa kanto ng katipunan, ay may isang estudyanteng bilasang naglalakad papuntang fast food chain na malapit sa kanyang paaralan. Hindi ito ganuon kalayo kumpara sa kanyang tahanan. Umaambon ng mga oras na iyon,  kaya’t hindi na nya piniling umuwi para kumain ng tanghalian. Pansin nyang walang dalang payong ang mga taong kanyang nakakasalubong. Naisip nya, “Bakit kasi hindi magdala ng payong ang mga taong ito? Alam naman sana nilang uulan?” Tag-ulan sa Pilipinas sa buwan ng Setyembre. Alam na alam ito ng mga Pilipino sapagkat sa mga panahong ito madalas dumating ang bagyo. Dalawa lang kasi ang panahon sa bansang ito, ang tag-init at ang tag-ulan. Buong taon naman tag-init sa Pilipinas, ngunit sa pagitan lamang ng Hulyo at Nobyembre talamak ang bagyo. Buwan ng Setyembre ng mga panahon iyon, kaya naman dali daling tumatakbo ang mga tao patawid sa kanyang dinadaanang kanto. Nagmamadali, nag-uunahan at sumisilong, gumagawa sila ng paraan upang hindi mabasa ng nagsisimulang ulan. 

​

     Mabilis ang oras sa bayan ng Maynila. Bawat segundo ay may katumbas na halaga. Ang isang minutong pagkakahuli sa trabaho ay may kapalit na bayad na katumbas ng sweldong ginugol sa trenta minutos na pagtatarabaho. Ang oras sa kanila ay sadyang ginto, kaya naman hindi uso sa kanila ang salitang “paghinto”. May kasabihan sila na kapag mabagal ka, mahuhuli ka. Kaya naman kabisado ng mga Manileño ang mga taong galing baryo. Ang mga taong maliit humakbang at magigi kung gumalaw ay tinatawag nilang “probinsyano”.
 

relax yourself with this playlist

visitor count:

bottom of page